HEY! Its me again and I will write my SECOND BLOG right now.
This Blog that i might write is all about the 3 little boys who were Lumads from Marilog.
I want to express this blog in TAGALOG FORM.... hahaha
Hindi natin sinasadya na pandirihan ang mga Lumad na dumadayo ngayon sa ating lugar tuwing kapaskuhan dahil sa itsura nila, minsan sa kulay ng kanilang balat at ang malala pa ay ang di kaaya-ayang amoy. Pumupunta sila dito tuwing diseyembre upang humingi ng munting regalo na galing sa ating mga puso. Hindi natin maikakaila na mas mapalad nga tayo kumpara sa kanila na namumuhay malayo sa siyudad.
Kaninang umaga, may tatlong batang nakatayo sa labas ng bahay namin at parang nahihiya sila, pero nung lumabas na ako ay humingi ng pahintulot ang isang batang may dalang maliit na laruang gitara na kung pwede ba daw sila MANAYGON. Napangiti ako sa kanilang tatlo, at habang kumakanta na ang batang maydalang gitara ay may tuwa akong naramdaman sa puso ko. OO, inaamin ko, di ko inakala na may magandang boses ang bata at may magandang kanta na hindi mawawaring komposisyon niya iyon. Bilib na bilib ako sa kanya, at ang kanta niyang puno ng kahulugan. Naaliw din ako sa isang bata kasi habang kumakanta ang kasamahan niya ay hindi rin siya nagpatalo at sumayaw din siya sabay sa kanta. Ang isang bata naman ay mukhang nahihiya lang at maganda din ang ginawa niya na tig-kolekta lamang ng pera. HA-HA-HA Hanggang ngayon ay di pa rin mawala sa aking isipan ang bata lalung-lalo na ang batang kumakanta, na nagpahiwatig ng magandang mensahe sa pamamagitan ng pagkanta niya. Mga Lumad nga sila pero tao rin sila, at may mga magaganda silang talento na dapat ipakita at ipagmalaki.
Ang sabi sa kanta niya ay : " LUMAD NGA KAMI, PERO GUSTO LANG NAMING HUMINGI NG PINASKUHAN AT SANA AY HINDI MAMASAMAIN NINYO ANG PAGHINGI NAMIN DAHIL PASKO NGAYON AT GUSTO NAMING LUMIGAYA "
Sa simpleng maibibigay natin, hindi lang tayo nakakatulong kundi nakakapagpasaya pa tayo. NGAYON AY PASKO DAPAT AY MAGBIGAYAN, NGAYON AY PASKO DAPAT AY MAGMMAHALAN AT NGAYONG PASKO AY TAYO'Y MAG-AWITAN.
Tatapusin ko na ang blog na ito, at sana ay naipahiwatig ko sa pamamagitan nito ang tunay na diwa ng pasko =)
Have a nice day everyone :)